KULONG | Tatlong kabataan – huli sa paggamit ng marijuana sa beach party sa La Union

La union – sa halip na bakasyon, kulong ang inabot ng tatlong kabataan matapos na mahuling humihithit ng marijuana sa dalampasigan ng Barangay Urbiztondo sa San Juan, La Union.

Kinilala ang mga suspek na sina Kenneth Dorimon, 22-anyos na taga Las Piñas City; Gesun Geria, 21 anyos na taga Parañaque at Agatha Camille Francisca, 21 anyos na taga Bacoor, Cavite.

Ayon sa San Juan Police Station – habang nasa beach party, na-tiyempuhan ng mga nagpapatrolyang pulis at tauhan ng PDEA ang tatlo na nagpa-pot session.


Tumanggi nang magsalita ang mga suspek.

Facebook Comments