Kumakalat na kinansela ang kandidatura nina Mayoralty Candidate Kuya Rav Kevin Rivera at Vice Mayoralty Candidate Ramil B. Rivera, walang katotohanan

Ayon kay Vice Mayoralty Candidate Ramil B. Rivera pawang mga paninira lamang ng kanyang kalaban sa politika ang mga kumakalat ng Fake News dahil wala naman mga basehan ang mga paratang sa kanya

Nilinaw ng kampo ng pamilyang Rivera na Fake News ang kumakalat na balita ng kalaban na di umanoy kinansela na ang kandidatura nina Mayoralty Candidate Kuya Rav Kevin Rivera at Vice Mayoralty Candidate Ramil B. Rivera na tumakbo sa Cabiao Nueva Ecija.

Ayon kay Mayoralty Candidate Kuya Rav Kevin Rivera pawang mga paninira lamang ng kanyang kalaban sa politika ang mga kumakalat ng Fake News dahil wala naman mga basehan ang mga paratang sa kanya.

Paliwanag pa ni Rivera walang katotohanan ang naturang ikinakalat ng kanyang kalaban dahil panalo na umano silang mag-ama sa kaso at ibinasura ang Petisyon na isinampa laban sa mag-amang Rivera.

Matatandaan na noong October 28, 2024, ay isinampa ang naturang Petisyon at ito ay ibinasura ng 1st Division ng COMELEC sa Order na may Petsang Febuary 26 2025.

Nagsampa ang kalaban ng Motion for Reconsideration dahil hindi nila matanggap ang pagkatalo.

Pero nito lamang May 9, 2025 at tuluyan ng dinismiss ng COMELEC EN BANC ang Petition laban kina Rivera sa pamamagitan ng Resolution na may Petsang May 9, 2025.

Umaasa ang mag-amang Rivera na mauunawaan ng kanilang mga kababayan ang mga paliwanag ng kanyang Legal Counsel tungkol sa mga paratang sa kanya ng kanyang mga kalaban sa politika.

Facebook Comments