KUMALAS | People’s champ Manny Pacquiao, nilinaw na wala siyang sama ng loob kay Top Rank Big Boss Bob Arum

174

Manila, Philippines – Walang sama ng loob si Manny Pacquiao kay Top Rank big boss Bob Arum.

Ito ang ipinahayag ni Pacman sa kabila ng mga tanong kung bakit tinanggal bilang promoter ang top rank sa laban nito kay Lucas Matthysse sa Hulyo na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon kay Pacquiao, ang pagkalas lamang niya sa poder ng top rank ay bahagi lamang ng trabaho at sa katunayan, inimbitahan pa niya si Arum na manood sa laban.

Dagdag pa niya, malaki ang utang na loob niya kay Arum dahil isa ito sa tumulong para makilala ang pangalan niya sa buong mundo kung saan nanawagan din siya na tigilan na ang mga paggawa ng kuwento para hindi masira ang pagkakaibigan nilang dalawa.

Facebook Comments