Kumpanya ng barkong nakabangga sa fishing boat ng mga Pinoy sa Occidental Mindoro, kinasuhan na ng Philippine Coast Guard

103

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na sinampahan na nila ng kaso ang kumpanya at mga opisyal ng MV Vienna Wood cargo vessel.

Kaugnay ito ng pagkakabangga ng dayuhang barko sa fishing vessel na FV Liberty 5 sa karagatan ng Occidental Mindoro.


Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman Commodore Armand Balilo, isinampa ng PCG kaninang umaga ang kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to property sa Provincial Prosecutor’s Office ng Occidental Mindoro.

Ayon kay Commodore Balilo, hanggang ngayon ay patuloy ang kanilang full search and retrieval operations sa labing-apat (14) na nawawalang Pinoy crew ng FV Liberty 5 at ito ay magpapatuloy hanggang bukas, July 7, 2020.

Facebook Comments