KUMPIRMADO | DOJ, kinumpirmang nasa Pilipinas ang Cebu businessman na si Peter Go Lim

39

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Dept. of Justice (DOJ) na nasa Pilipinas pa ang Cebu-based businessman Peter Go Lim.

Si lima ay inakusahang dawit sa ilegal na droga.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra – humiling ang prosecutors sa local court na mag-isyu ng Hold Departure Order (HDO) laban kay Lim.

Aniya, base sa ibinigay na impormasyon mula sa Bureau of Immigration, si Lim ay nakabalik lamang ng bansa matapos ang maikling biyahe nito abroad.

Matatandaang nakitaan ng DOJ ng probable cause para sampahan ng two counts of conspiracy to commit illegal drug trading laban kay Lim, Kerwin Espinosa, Marcelo Adorco, Ruel Malindangan, at iba pa.

Facebook Comments