KUMPIRMADO | DOJ, kinumpirmang nasa Pilipinas ang Cebu businessman na si Peter Lim

31

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nasa Pilipinas pa ang Cebu-based businessman Peter Go Lim.

Si Lim ay inakusahang dawit sa ilegal na droga.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, humiling ang prosecutors sa local court na mag-isyu ng Hold Departure Order (HDO) laban kay Lim.

Aniya, base sa ibinigay na impormasyon mula sa Bureau of Immigration (BI), si Lim ay nakabalik lamang ng bansa matapos ang maikling biyahe nito abroad.

Matatandaang nakitaan ng DOJ ng probable cause para sampahan ng two counts of conspiracy to commit illegal drug trading laban kay Lim, Kerwin Espinosa, Marcelo Adorco, Ruel Malindangan at iba pa.

Facebook Comments