KUMPIRMADO | Jason Aquino, nagbitiw na sa posisyon ayon kay Pangulong Duterte

465

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpaalam na sa kanya si NFA Administrator Jason Aquino.

Sa interview ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo kay Pangulong Duterte ay sinabi nito na nagbitiw na si Aquino sa posisyon at ang dahilan aniya nito ay pagod na at hindi na makahabol sa trabaho sa NFA.

Kaya naman sinabi ng Pangulo na sa ngayon ay naghahanap na siya ng papalit kay Aquino bling NFA Administrator.

Sa ngayon ay sinabi ni Pangulong Duterte para sa kanya ay mahalaga na magkaroon ng hanggan 60 araw na buffer stock na bigas ang NFA at magagawa ito sa pamamagitan ng importation.

Matatandaan na makailang beses na pinagbibitiw si Aquino sa posisyon dahil umano sa kanyang kapalpakan sa NFA na dahilan umano para umakyat ang presyo ng bigas sa bansa.

Facebook Comments