KUMPISKADO | 5, arestado sa iligal na droga sa Malate, Maynila

Manila, Philippines – Kalaboso ang limang drug suspects kabilang ang tatlong babae sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Zobel Roxas Street, Malate, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Lilian Tirao, Emma Lugtu, Romeo Siosan, Antonio Manuel at Neila Pitalino.

Nagsasagawa ng anti-criminality operation ang Manila Police District Station 9 na nagresulta sa pagkakaaresto ng limang drug suspects.


Nasabat naman sa operasyon ang siyam na sachet ng shabu kasama na ang ilang mga drug paraphernalia.

Facebook Comments