KUMPISKADO | Drug suspek nakuhaan ng matataas na kalibre ng armas sa Sulu

Siasi, Sulu – Nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng PNP at PDEA mula sa isang babaeng drug suspek sa lalawigan ng Sulu ang malalakas na kalibre ng armas.

Kinilala itong si Evelyn Mallida Kiram, 38-anyos, residente ng Barangay East kuntad, Siasi, Sulu.

Ayon kay Police Chief Supt. Graciano Mijares Regional Director ng ARMM Police Office, ikinasa ang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Siasi Municipal Police Station, Sulu PPSC at PDEA laban kay Kiram kahapon ng hapon.


Isang mahabang sachet ng pinaniniwalaang shabu ang narekober mula sa suspek.

Pero nang halughugin ang bahay ay nakuha rito ang tatlong malalakas na uri ng mga baril.

Kinabibilangan ito ng dalawang M16 armalite rifle at isang cal 30 M1 garand rifle.

Nagpasalamat si General Mijares sa impormasyon na ipinarating sa kanila ng publiko na nagresulta pagkaaresto ng drug suspek na si Evelyn Kiram.

Facebook Comments