KUMPISKADO | Mahigit 180 milyong pisong halaga ng smuggled rice nasabat ng BOC

76

Manila, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang 200 containers na may lamang 150 libong sako ng bigas na smuggled sa tatlong shipment na galing Vietnam.

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapena nagkakahalaga ng 187 milyong piso ang smuggled rice na Thai Rice na galing sa bansang Vietnam na nasabat sa Manila International Container Port bunsod na pinaigting na kampanya ng gobyerno sa mga ibat-ibang klaseng smuggled.

Paliwanag ni Lapena mahigpit ang tagubilin sa kanya ni Pangulong Duterte na paigtingin pa ang pagbabantay sa mga ibat-ibang pantalan sa bansa kaugnay sa tumitinding smuggled na nangyayari sa mga pantalan.

Giit ni Lapena mas mahigpit ngayon ang ginagawang monitoring ng BOC upang matiyak na walang makalulusot na mga smuggled rice na galing sa ibat-ibang bansa gaya ng Vietnam at Thailand.

Facebook Comments