KUMPISKADO | Mahigit P1-M halaga ng shabu, nasabat sa Bacolod City

59

Bacolod City – Aabot sa P1.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga otoridad sa Bacolod City.

Sa ulat, anim na sachet ng shabu ang nakuha mula kay Faisalin Ibra kung saan diskarte nito na isabay ang negosyo sa droga sa pagbebenta ng DVD at mga dalawang buwan pa lamang siya sa lungsod matapos lumipat mula Marawi City.

Inaresto rin ng pulisya ang driver ni Ibra na si Nurban Caunda pero iginiit nito na hindi niya alam na nagtutulak ng droga ang kaniyang amo.

Aminado naman si Ibra sa pagbebenta ng iligal na droga pero tikom ang bibig nito nang tanungin ang pangalan ng kaniyang source.

Facebook Comments

From Advertisers