KUMPISKADO | P12-M halaga ng smuggled na sibuyas, nasabat sa Maynila

35

Manila, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang P12 milyon na halaga ng puslit na sibuyas sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, idineklara ang shipment na laman ng anim na 40-footer container galing ng China bilang mga sariwang mansanas.

Aniya, dumating ang mga kargamento noong Agosto 14 at ito ay naka-consign sa ASD Total Packages Enterprises Incorporated.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act laban sa may-ari ng ASD Total Packages Enterprises Incorporated at sa customs broker na si Michael Miranda Sumile na nagproseso ng shipment.

Mahaharap din umano sila sa reklamong paglabag sa Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Facebook Comments