KUMPISKADO | P2-M halaga ng shabu, nakumpiska sa 6 na menor de edad sa Misamis Occidental

445

Misamis Occidental – Tinatayang nasa P2 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Ozamis City Police Station sa anim na menor de edad sa Barangay Malaubang, Ozamiz City, Misamis Occidental.

Ayon kay Police Superintendent Jovie Espenido, hepe ng Ozamiz City Police Station, naaresto nila ang mga suspek sa ginawang follow up buy-bust operation sa nasabing lugar.

Aniya, ang mga suspek ay sangkot sa mga nakawan at sa iba’t-ibang krimen sa magkakaibang lugar.

Naniniwala rin si Espenido na isang malaking grupo ang namamahala sa mga suspek na ang modus ay nakawin ang mga mamahaling bagay.

Facebook Comments