KUMPISKADO | P6.5-M halaga ng shabu nasabat sa 2 babaeng drug pusher sa Tondo

Manila, Philippines – Nasa 6.5-milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad mula sa dalawang babaeng tulak ng droga sa New Antipolo Street sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Girlie Lopez at Leah Carpio.

Ayon kay NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, isang pulis ang nagpanggap na buyer at bumili ng P5,000 halaga ng shabu sa mga suspek.


Nang magkaabutan na ng pera, doon na sila inaresto at pinosasan ng mga pulis.

Nakumpiska sa kanila ang halos isang kilo ng shabu at buy-bust money.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments