KUMPISKADO | Samut-saring kontrabando nakumpiska sa maximum security compound ng NBP

65

Manila, Philippines -Nagsagawa ng oplan galugad ang mga operatiba ng Bureau of Corrections (BOC), Special Weapons and Tactics at PNP Special Action Force sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Partikular na sinalakay ng mga otoridad ang selda sa Building 5, 9 at 13.

Samut-saring kontrabando ang nakumpiska tulad na lamang ng bala ng shotgun, kutsilyo, balisong, maso, arnis, ice pick, lagare, martilyo, batuta, cellphones, dvd player, lighter.

Nakakuha din sila ng speaker, alak, baraha at hugis ari ng lalaki pero kahoy.

Sinabi naman ni NBP PIO Chief Senior Inspector Eusebio Del Rosario hindi pa rin natututo ang mga bilanggo sa kabila nang paulit-ulit na oplan galugad ang kanilang isinagawa.

Pero mas konti aniya ang kanilang nakumpiska sa ngayon kumpara noong mga nagdaang oplan galugad.

Wala namang illegal na droga na nakumpiska mula sa mga hinalughog na selda.

Facebook Comments