KUMPIYANSA | ‘Dalawang siga’, paghahalintulad ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping

40

Manila, Philippines – Inihalintulad ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa dalawang ‘siga’ na nagbibigay galang sa isa’t-isa.

Ayon kay Cayetano, sa kabila ng kanilang pagkakaiba, kapwa silang naghahanap ng solusyon sa pangunahing problema.

Aniya, puno ng kumpiyansa ang gobyerno sa inaasahang pagbisita ni Xi sa Pilipinas sa Nobyembre pagkatapos ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Papua New Guinea.
Bago ito, una nang nagpahayag ng pagkagiliw si Pangulong Duterte kay Xi.

Facebook Comments