KUMPYANSA | Political terrorism malabo mangyari sa Pilipinas – ayon sa PNP

38

Manila, Philippines – Kumpyansa si PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na hindi mangyayari sa Pilipinas ang Political terrorism.

Ayon sa opisyal, batay sa kanilang mga karanasan sa paglalatag ng seguridad para sa halalan ay walang kandidato ang gumawa ng political terrorism.

Sinabi ni Albayalde napakasama naman ng isang kandidato kapag ginawa ito.

Sa ngayon aniya bagama’t mainit ang isyu ng pulitika sa bansa ay tanging batuhan ng masasamang salita lang ang nangyayari at kung may casualty man ito ay bibihira o konti lang.

Pero kung political terrorism naniniwala si Albayalde na hindi ito pipiliin ng sinumang Pilipino.

Ginawa ni Albayalde ang pahayag sa harap ng mga inilalatag na seguridad para sa gaganaping 2019 midterm election.

Facebook Comments