KUNG IBABALIK? | PNP Iligan, target na madeklarang drug free ang lungsod

16

Iligan City – Target ngayon ng PNP Iligan na madeklarang drug free ang lungsod kung ibabalik sa kanila ni Presidente Rodrigo Duterte ang war on drugs.

Sinabi ni PNP City Director Police Senior Superintendent Leony Roy Ga na panahon na para kanilang full-blast operation para sumpo-in ang illegal na droga sa Iligan.

Pero hanggang ngayon ayon kay Ga ay wala pa silang pormal na kautusan galing sa kanilang regional office kung sasabak na sila uli sa pakikipag-giyera laban sa droga.

Nais ng hepe ng kapulisan sa iligan na nitong sa kanilang kamay na naman ang pagsasagawa ng operasyon sa illegal na druga ay kailangan umanong madeklara nang drug free city ang Iligan.

Isa umano ito sa ninanais ni Presidente Duterte sa kampanya nito laban sa illegal na droga na magiging drug free ang bansa.

Facebook Comments