Kura paroko ng Sta. Barbara Parish Church sa Iloilo, muntik nang gulpihin ng kamag-anak ng namatay dahil sa pagbabastos sa loob ng simbahan

Iloilo, Philippines – Muntik nang gulpihin ng pamilya ng namatay ang kura paroko ng bayan ng Sta. Barbara Parish Church na si Monsignor Juanito Tuvilla matapos na sinasabing nambastos sa loob ng simbahan.

Sinabi ni Armado Sondia, retired member ng Philippine Army at residente ng Bagumbayan, Sta. Barbara, Iloilo na mga alas 9:45 kahapon ng umaga matapos ang misa sa kanyang inang namatay, nag-alay ng isang awit ang kanyang pamangkin at habang kumakanta, lumabas umano si Monsignor Tuvilla at galit na pinatigil ang bata.

Dahil dito, nagkasagutan ang pamilya ng namatay at si Tuvilla at sa gali,t muntik nang gulpihin ang naturang pari.


Mabuti na lamang at naagapan ng iba pang miyembro ng pamilya na mapigilan ang mga galit nilang kamag-anak.

Dahil sa nangyari, nagpa-blotter na lamang sa Sta. Barbara PNP ang pamilya ng namatay at handang magsampa ng kaso laban kay Tuvilla.

Matanadaan na ilang beses nang inireklamo si Tuvilla ng mga mamamayan dahil sa pagiging arogante at hindi mabuting pakikitungo sa mga nagsisimba.
DZXL558

Facebook Comments