Kurapsiyon sa PhilHealth, Kinondena ng kalihim ng DOH

Mariing kinondena ni Health Secretary Francisco Duque III ang kurapsiyon na kinasasangkutan ng PhilHealth at WellMed Dialysis Center, mga pekeng resibo at iba lang alegasyon na banta sa integridad ng Social Health Insurance sa bansa.

Kaugnay nito ay tiniyak ni Duque ang buong suporta at pakikiisa sa sa isinasagawang imbestigasyon ng Department of Justice.

Hiniling din ni Duque sa DOJ na isama siya sa mga iniimbestigahan upang mapanagot ang mga nasa likod ng kotrobersiya.


Hinikayat din ng kalihim ang kanyang mga tauhan na huwag paapekto sa naglabasang kontrobersiya at sa halip ay Ipagpatuloy ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Niliwanaw ni Duque na hindi siya ang isyu kundi ang kurapsiyon at pandaraya, at tungkulin niya na kumilos sa Anti-Corruption Campaign ni Pangulong Duterte, kailangan aniyang matuldukan na ang lahat ng uri ng kurapsiyon sa DOH at mga ahensiyang nasa ilalim nito.

Facebook Comments