KUSANG LOOB | 3 komunistang terorista sumuko sa militar sa Bukidnon

49

Bukidnon – Kusang loob na sumuko sa mga sundalo ang tatlong miyembro ng teroristang New Peoples Army (NPA) sa lalawigan ng Bukidnon.

Sa ulat ng 4th Infantry Division ng Philippine Army sumuko sa tropa ng 8th Infantry Division ng Philippine Army ang tatlong NPA na kabilang sa Guerilla Front Committee 4B kahapon sa Barangay Kalabugao Impasugong Bukidnon.

Kinilala ang mga sumukong NPA na sina alyas Dave 22-anyos, alyas Darwin 28-anyos at isang alyas Aidel 25-anyos.

Isinuko rin ng mga ito ang kanilang m79 grenade launcher, uzi sub machine gun at isang magnum 22 na may live ammunition.

Mapapasama naman ang mga sumukong rebelde sa enhanced comprehensive local integration program o e-clip ng pamahalaan.

Facebook Comments