Kusinero ng F/B Gem-Ver 1, nagpasalamat sa Vietnamese vessel na sumagip sa kanila

77

Nagpasalamat ang kusinerong si Richard Blaza ng F/B Gem-Ver 1 o ang bangkang binangga ng Chinese vessel matapos silang sagipin ng Vietnamese fishing vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Blaza, mabilis ang takbo ng Chinese vessel papalapit sa kanila kaya inakala niyang mamamatay na sila kung hindi sila nasagip ng Vietnamese fishing vessel.


Inamin naman ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol na binangga ng Chinese vessel ang fishing vessel ng mga Pilipinong mangingisda at hindi tinulungan ang mga ito.

Kinumpirma naman ni Piñol na makakatanggap ng P25,000 ang mga pamilyang nawalan ng hanap buhay matapos ang pagbangga ng Chinese vessel sa nasabing bangka.

 

Facebook Comments

From Advertisers