Kuta ng BIFF binomba ng Phil Airforce

37

Naglunsad ng airstrike kamakalawa ng gabi ang Phil Airforce ng 6th Infantry Kampilan division sa tri boundary sa marshy area ng Pagalungan, Sultan Sabarongis at GSKP makaraang mamataan ang grupo ni Commander Abu Torayfe at BIFF. Ayon sa panayam ng DXMY kay DPAO Chief at spokesman ng Kampilan Capt.Arvin Encinas, na nagpalipad sila ng attack helicopter matapos na makita ang presensiya ng mga terorista sa nasabing pawas area, na diumanoy nagpa-plano ng kanilang gagawin pangharass sa position ng militar sa maguindanao at north Cotabato.

Facebook Comments