KUWARESMA | Ash Wednesday, gugunitain ngayong araw

54

Manila, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng araw ng mga puso, gugunitain rin ngayong araw ang Ash Wednesday.

Ito ay hudyat na simula na ang Kuwaresma o Lenten Season.

Nitong linggo, sinimulan ng sunugin ang mga palaspas na ginamit noong nakaraang taon para maging abo na ipapahid sa mga noo tanda ng pagsisisi sa mga kasalanan.

Paalala ng simbahan, mas magandang simulan ang pagninilay-nilay sa pagkukumpisal at paghingi ng tawad sa Diyos.

Facebook Comments