KWENTONG KUTSERO? |Oligarch na manunuhol sa mga senador para ilusot ang impeachment ni Sereno, minaliit ng justice committee

53

Manila, Philippines – Tinawag ni House Committee on Justice Chairman Rey Umali na kwentong kutsero lang ang sinabi ni Atty. Larry Gadon na may isang Oligarch ang susuhulan ang mga senador para arborin ang impeachment case ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayaw nang patulan ni Umali ang rebelasyon ni Gadon dahil mukhang hindi daw ito totoo.

Aniya, kung walang malinaw na mapapakitang ebidensya si Gadon ay hindi ito pagkakaabalahan ng mga mambabatas.

Sinabi ni Umali na itutuon na lamang nila ang kanilang pansin sa mas mahalaga nilang trabaho.

Ito ay ang pag-establish ng mga alegasyon laban kay Sereno na kailangan nilang tiyakin na malakas at may basehan bago iakyat sa Senado para sa trial.

Facebook Comments