Kylie Padilla, nanghihinayang sa pagkakawala niya sa isang fantaserye ng Kapuso network

Manila, Philippines – Nag-post si Kylie Padilla ng pagbati para sa fiancé niyang si Aljur Abrenica sa kanyang Instagram account.

 

Binanggit ni Kylie ang pagiging magkakampi nila ni Aljur hindi lang bilang mag-partner, kundi bilang matalik na magkaibigan.

 

Sa instagram ng aktres, sinabi rin nito na ipagdiriwang nila ang birthday ni Aljur sa pamamagitan ng pagkain ng spaghetti at panonood ng Walt Disney movie.

 

Samantala, inamin ni Kylie na nalulungkot siya dahil hindi na niya maitutuloy ang pagganap bilang amihan dahil sa kanyang pagbubuntis.

 

Dagdag ng aktres, wala siyang pinagsisisihan sa mga nangyari at masaya siya ngayon sa piling ng kanyang partner.




Facebook Comments