Kylie Verzosa, umamin na kasabwat siya sa proposal prank sa kanya ng boyfriend nito na si Jake Cuenca

101

Umapela ang aktres at Miss International 2016 Kylie Verzosa sa mga netizen na tigilan na ang pambabatikos sa kanyang boyfriend na si Jake Cuenca.

Ito ay matapos magsagawa si Jake ng proposal prank kay Kylie.


Paglilinaw ni Kylie, hindi siya nagalit at walang sama ng loob kay Jake dahil kasabwat din siya nito.

Say pa ng aktres, best boyfriend niya si Jake.

Nirepost din ni Kylie ang kanyang Instagram story kung saan nag-iwan siya ng mensahe na “I love you” para kay Jake.

Ayon pa sa kanya, sobrang swerte niya na naging boyfriend niya si Jake at mahal na mahal niya ito.



Matatandaan, makikita sa video na waring aktong magpo-propose si Jake kay Kylie at humirit na may nais siyang itanong sa beauty queen.


Game na game naman si Kylie na sobrang excited habang naghihintay sa sasabihin sa kanya ni Jake.

Sabay ang tanong lang pala ni Jake ay kung “Kumain ka na ba?”

May netizens na nakapanood ng prank ni Jake na umalmang “bad joke” daw ang paasahin ang babae lalo na’t seryosong usapin ang kasal.

Natawa at nagulat naman ang ilang malalapit na celebrity sa kanilang dalawa katulad nina Angel Locsin, Bianca Manalo at KC Concepcion.

Facebook Comments