LA Lakers, pasok na sa NBA finals matapos ang 4-1 victory VS Denver Nuggets

58
COURTESY: NBA FB

Nasungkit ng Los Angeles Lakers ang 4-1 victory nito kontra Denver Nuggets sa kanilang best-of-seven Western Conference finals.

Sa iskor na 117-107, naselyuhan ng Lakers ang serye sa tulong ng triple-double ni superstar Lebron James na humakot ng 38 points sa kabuuan ng laro.

Dahil sa panalo, pasok na ang Lakers sa NBA finals.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakabalik muli sa championship series ang Lakers simula noong 2010.

Makakalaban nila sa finals ang koponang mananalo sa Eastern Conference sa pagitan ng Boston Celtics at Miami Heat.

Facebook Comments