LA UNION, HANDA NA SA INAASAHANG DAGSA NG TURISTA SA SEMANA SANTA

Handang-handa na ang Lalawigan ng La Union para sa inaasahang dagsa ng mga turista ngayong Semana Santa.

Ayon sa pamahalaang Panlalawigan,naka-full alert na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at Provincial Health Office upang tiyakin ang kaligtasan ng mga bisita.

Magkakaroon din umano ng mga deployment ng kawani ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga baybaying-dagat at iba pang pangunahing destinasyon. May nakaabang din na ambulance, rescue vehicles, rubber boats at jetski para sa agarang tugon sa anumang emergency.

Paalala naman ng awtoridad sa publiko publiko na maging maingat sa pagligo sa dagat at ilog. Dapat din na sundin ang mga patakaran at advisory ng lokal na pamahalaan para sa ligtas at makahulugang bakasyon.

Samantala, pinaalalahanan din ang publiko at mga bibisita na sundin ang Anti-Disturbance Ordinance sa Huwebes at Biyernes Santo—bawal ang mga party, karaoke, at iba pang maingay na aktibidad upang mapanatili ang kasagraduhan ng okasyon.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments