Umabot sa tinatayang P5.9 bilyon ang pinsala sa imprastraktura sa La Union bunsod ng magkakasunod na sama ng panahon, kabilang ang Bagyong Emong, Mirasol, Nando at ang habagat, ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) nitong Huwebes.
Karamihan ng pinsala ay kalsada, pasilidad ng pamahalaan at ilang health facilities. Naitala rin ang P7 milyon na pinsala sa agrikultura, pagkasira ng dalawang bahay, at partial damage sa 51 iba pa.
Isang residente ang nasawi matapos tamaan ng kidlat sa kasagsagan ng Bagyong Nando.
Aabot sa 4,087 pamilya o 14,043 katao mula sa 147 barangay ang naapektuhan, kung saan 212 pamilya ang pansamantalang nasa 36 evacuation centers.
Kasabay nito, naghahanda ang probinsya sa posibleng epekto ng Severe Tropical Storm Opong, na nasa ilalim ng Signal No. 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







