
Tinawag ng Malacañang na basura ang testimonya ng 18 bodyguard ni dating Cong. Zaldy Co kaugnay ng umano’y pagdadala ng mga maletang may lamang pera.
Ito’y matapos bawiin ng 18 testigo ang alegasyon na naghatid sila ng maletang puno ng pera sa bahay ni Sen. Loren Legarda.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi papasa sa korte ang salaysay ng mga ito dahil pabago-bago at hindi magkakatugma ang detalye.
Dahil dito, iginiit ng Malacañang na lalo lamang nabubutas ang kanilang mga testimonya na nagpapahina sa kredibilidad ng kanilang mga paratang.
Facebook Comments










