Laban ng Azklas at Nepal, nauwi sa tabla

20

Katmandu – Nakabinbin pa rin ang tsansa ng Philippine Azkals para makapasok sa 2019 AFC Asian Cup matapos ang laban nila ng nepal na nauwi sa scoreless draw.

Sa laro na ginanap sa Anfa Stadium sa Katmandu, may pag-asa pa sana sila na makapuntos sa loob ng 21 minuto subalit naging matindi ang depensang ipinamalas ng Nepal.

Ito na ang pangatlong draw ng Azkals kung saan dalawa dito ay mula sa magkasunod na laban kontra Yemen.

Nanatili pa rin sa unang puwesto ang Azkals sa group F na may siyam na puntos at may tsansa pa na muling makapasok sa 2019 AFC Asian Cup sa pagharap nila kotra Tajikistan sa Marso.

Facebook Comments