Laban ng bansa kontra COVID-19 Delta variant, hindi pa tiyak kung tapos na – DOH

Hindi pa masabi ng Department of Health kung patapos na ang laban ng bansa kontra COVID-19 Delta variant.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay nananatiling dominante ang Delta variant sa mga naitatalang kaso sa bansa.

Ibig sabihin, sa kada 10 indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19, halos 9 dito ay Delta variant.


Giit ni Vergeire, masasabi lamang na tapos na ang laban sa Delta variant kung mapipigilan natin ang paghahawaan ng mga Pilipino.

Facebook Comments