Laban ng Gilas Pilipinas at Indonesia, inaabangan na sa 2017 SEABA Championship

Manila, Philippines – Inaabangan na ngayon ang paghaharap ng Gilas Pilipinas at Indonesia sa nagpapatuloy na 2017 SEABA Championship na mapapanood sa Huwebes sa Araneta Coliseum.

Nabatid kasi na pinayagan ng FIBA na palaruin na ang dalawa nitong player na si Arki Wisnu na Indonesian-American at naturalized player nila na si Jamarr Johnson.

Dahil dito, ayaw ni SBP Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan na maging kampante ang Gilas Pilipinas lalo na’t nanatiling walang talo ang Indonesia kahit pa hindi naglalaro ang dalawang nasabing players.


Plano naman ni MVP na bigyan ng sopresa ang national team sakaling magpatuloy ito sa maganda nilang performance.

Sa ngayon, pinag-aaralan na din ni Coach Chot Reyes ang game plan na kanilang gagawin pero magco-concentrate muna sila sa magiging laban kontra Vietnam mamayang gabi.

DZXL558

Facebook Comments