Laban nina Mayweather ay Mcgregor – kasado na sa Agosto

Las Vegas – Kasado na ang laban nila boxing legend Floyd Mayweather at mixed martial arts star Conor Mcgregor sa 154 pound fight sa Agosto 26 sa Las Vegas.

Inanunsyo ni Mayweather ang balita sa kanyang instagram account na may mensahe na “It’s official!!!” Samantang si Mcgregor naman ay inanusyo ang laban gamit ang kanyang twitter account na ang mensahe ay “The fight is on.”

Ayon kay promoter Dana White – tiwala siyang makakalamang si Mcgregor dahil na rin sa edad ni mayweather na nasa 40-year-old na.


Dagdag pa ni Whte na isang daang porsyentong positibong mananalo si Mcgregor kahit pa wala siyang karanasan sa pag boboxing

Kung sakaling mananalo si Mcgregor, ay siya ang kauna-unahang makakatalo sa undefeated American professional boxer na si Floyd Mayweather.

Facebook Comments