Laban sa pagitan ng Boston Celtics at Miami Heat, sinuspinde ng NBA dahil sa health protocols

85
Photo Courtesy: Hot Hot Hoops

Sinuspinde muna ng National Basketball Association (NBA) ang laro sa pagitan ng Boston Celtics at Miami Heat ngayong araw.

Base sa inilabas na ulat NBA, ginawa nila ito bilang pagsunod sa health protocols kaugnay sa COVID-19 matapos makaranas ng sintomas ng sakit si Heat Small Forward at Shooting Guard Avery Bradley.


Sa ngayon, nakaliban muna ang walong manlalaro ng Miami bilang pag-iingat at pagbabantay kung magkakaroon sila ng sintomas ng sakit.

Ito na ang ikalawang laro sa NBA na sinuspinde dahil sa COVID-19 safety protocols.

Facebook Comments