Labanang Manny Pacquiao at Mikey Garcia, ikinakasa na sa Mayo

553

Kinumpirma ni eight division world champion Sen. Manny “Pacman” Pacquiao na mayroon ng negosasyong nagaganap para sa paghaharap nila ng 33-year-old American at dating world champion na si Mikey Garcia.

Ayon kay Pacquiao, inaayos na ng Paradigm Sports Management ang kontrata ng laban nila ni Garcia na posibleng ganapin sa buwan ng Mayo sa Dubai.


Hindi na rin aniya interesado si Pacquiao na labanan si unbeaten 22-year-old American Ryan Garcia.

Una nang inanunsyo ni Pacman na nagsimula na siya sa kanyang training para sa kanyang pagbabalik sa ring.

Facebook Comments