Labangon Police Station, mag-iimbestiga sa isang kooperatiba na inireklamo ng kanilang mga miyembro

114

Sa Cebu, Iimbistigahan ng Labangon Police Station ang isang kooperatiba sa Barangay tisa sa lungsod ng Cebu matapos itong akusahan nang kanilang mga miyembro na hindi tumupad sa ipinangakong mga benepisyo.

Limang mga miyembro ng God of the Father Almighty Cooperative ang nagpa-blotter sa Labangon Police Station matapos silang pangakohan na makakakuha ng gusto nilang sasakyan sa loob lang ng isang buwan na may pinakamababanginteres .


Sinasabing umabot na sa tatlong daan ang mga miyembro ng kooperatiba na pinapatakbo ng isang  Chris Tundag  .

Ayun kay Major Henrix Bangcoleta Hepe ng Labangon Police Station nakikipag-ugnayan ito sa Criminal Investigation and Detection Group-7 para imbistigahan ang nasabing kooperatiba.

Facebook Comments

From Advertisers