Labi ng 49 na Pinoy na nasawi sa Saudi Arabia, dumating na sa bansa

71

Dumating na sa bansa ang labi ng 49 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasawi sa Saudi Arabia sakay ng chartered flight ng Philippine Airlines.


19 dito ang tinamaan ng COVID-19, habang ang iba ay ang non-COVID related.

Ang mga labi ng OFWs ay dinala agad sa 15 crematorium, bago ibigay sa kanilang mga kamag-anak ang abo.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, Sa kabuuan, 274 ang mga nasawing OFWs sa Saudi Arabia na kinakailangang maiuwi sa bansa.

Facebook Comments