LABI NG 5 REBELDENG NAPATAY SA ENGKWENTRO STA. TERESITA, CAGAYAN, INILIBING NA

45

Cauayan City, Isabela- Inilibing na ang limang (5) bangkay ng rebelde na narekober matapos ang naganap na engkuwentro sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA) noong ika-21 ng Setyembre 2021 sa Sta. Teresita, Cagayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Major Jekyll Julian Dulawan, Chief DPAO ng 5ID, apat (4) na bangkay ng kalalakihan at isang (1) babae ang ibinaba ng tropa kahapon mula sa kabundukan ng Brgy. Dungeg at ipinasakamay muna sa kapulisan para sa mga pamilyang nais kumuha ng kanilang labi.


Pero dahil naaagnas na ang mga bangkay, nagdesisyon ang mga otoridad na bigyan na lamang ng disenteng libing sa public cemetery ng Sta. Teresita.

Facebook Comments