Labi ng higit 50 OFWs na namatay sa Saudi Arabia, dumating na sa bansa

69

Dumating na sa Pilipinas ang labi ng 54 Overseas Filipino Workers (OFWs) galing Saudi Arabia.


Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), dumating ang 54 bangkay pasado alas-2:00 ng hapon, nitong Martes sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Hindi nakumpleto ang pag-uuwi sa 71 bangkay ng mga OFW dahil sa kabiguan ng mga cargo forwarder na iproseso lahat ng mga naunang nailista kaya 54 lang ang naibalik sa Pilipinas.

Sa 54 OFWs, 20 dito ay mula sa Al Khobar, 10 sa Jeddah habang 24 ay galing sa Riyadh.

Nasa 39 OFWs ang pumanaw sa COVID-19 habang 15 ang nasawi sa ibang dahilan.

Facebook Comments