Labi ng mga Pilipinong namatay sa Saudi Arabia, iuuwi sa Pilipinas sa July 4

112

Inihahanda na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang flights para sa pag-uuwi sa 301 labi ng mga Pilipinong nasawi sa Saudi Arabia.


Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, kasama ring iuuwi sa Pilipinas ang 145 labi ng mga Pilipinong nasawi dahil sa COVID-19.

Plano sana ng pamahalaan na ipalibing na sa Saudi ang labi ng mga Pilipinong nasawi sa virus para maiwasan ang kontaminasyon nito sa Pilipinas.

Gayunman, umapela ang pamilya ng mga ito na maiuwi ang labi ng kanilang kaanak, bagay na inaprubahan din ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Target ng DOLE na maiuwi ang mga labi bago mag-July 4, ang taning na ibinigay ng Saudi government.

Facebook Comments