
Nasa bansa na ang labi ng Overseas Filipino Worker o OFW na si Dafnie Nacalaban mula sa Kuwait kagabi.
Kung saan ay naiulat na nawawala ito noong Oktubre 2024 hanggang sa natagpuan ang kanyang katawan na wala nang buhay noong Disyembre 2024 sa bahay ng isang Kuwaiti national.
Nakatakdang iuwi sa kanilang probinsya ang mga labi ni Dafnie upang makapiling ng kanyang pamilya sa huling pagkakataon.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait.
Sa mga awtoridad upang matiyak na mabibigyan ng hustisya ang pagmatay ng OFW na si Dafnie.
Facebook Comments