LABI NG NASAWING CAREGIVER SA ISRAEL, TITIYAKING MAIIUUWI SA NAULILANG PAMILYA SA PANGASINAN

Tiniyak ng OWWA at DMW sa Ilocos Region ang puspusang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang sangay ng gobyerno upang mapabilis ang repatriation sa labi ng nasawing Pangasinenseng Caregiver sa Israel.

Sa pagbisita ng mga tanggapan katuwang ang lokal na pamahalaan ng Basista sa naulilang pamilya ng OFW na si Mary Ann De Vera, ipinaliwanang ang kaukulang proseso upang maisama na rin sa maiuuwi ang asawa ng yumaong Pangasinense.

Ayon sa mga ahensya, bagama’t may hamon sa seguridad at limitadong flight schedules sa Gitnang Silangan, patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang matiyak na matatanggap ng pamilya ang lahat ng nararapat na benepisyo at suporta.

Nanawagan rin ang pamilya, katuwang ang lokal na pulisya, ng respeto sa kanilang privacy at pagtigil sa pagpapakalat ng personal na impormasyon ng biktima sa social media upang mabigyan sila ng kapayapaan at dignidad sa kanilang pagluluksa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments