Labi ng NDFP Consultant na si Randall Echanis, pwersahang kinuha ng mga pulis, ayon sa asawa nito

90

Sapilitang kinuha ng mga pulis ang labi ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Consultant Randall Echanis mula sa funeral parlor.


Ito ang iginiit ng asawa ni Randall na si Erlinda.

Sa Twitter post ng Anakpawis party-list, inakusahan ni Erlinda ang mga miyembro ng pulisya na kinuha ang mga labi ng kaniyang asawa.

Kwento ni Erlinda, higit 10 pulis mula sa La Loma Philippine National Police (PNP) ang pwersahang kinuha ang labi ni Randall at ibinalik ito sa Pink Petal Funeral Homes sa La Loma, Quezon City sa ilalim ng kanilang kustodiya.

Sa statement ng Anakpawis, si Echanis at isang hindi pinangalanang kapitbahay ay napatay sa isang inuupahang bahay sa Novaliches nitong Lunes ng madaling araw.

Una nang nilinaw ng Quezon City Police District (QCPD) na hindi si Echanis ang namatay.

Facebook Comments