Labi ni dating Senador Nene Pimentel, ibuburol sa Taguig, Senado at Cagayan De Oro

Nakatakdang iburol ang mga labi ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr. sa Taguig City, sa Senado at sa Cagayan De Oro.

Ito ang inanunsyo ng kanyang anak na si Senador Koko Pimentel sa pamamagitan ng Facebook Post.

Unang dadalhin ang labi ng dating Senador sa Chapels 7 at 8 ng Heritage Memorial Park sa Taguig mula alas 7:00 ng gabi ngayong Linggo hanggang sa Martes, October 22.


Sa Miyerkules ng umaga, ililipat ang kanyang labi sa gusali ng Senado.

Pagsapit ng tanghali, ay dadalhin ito sa kanyang hometown sa Cagayan De Oro hanggang umaga ng Biyernes, October 25.

Ibabalik ang kanyang labi sa Heritage Memorial Park Biyernes ng tanghali.

Wala pa namang ibinibigay na detalye ang pamilya Pimentel sa magiging schedule ng interment o libing.

Facebook Comments