Labing dalawang katao, arestado matapos salakayin ng NBI ang isang KTV Bar sa Maynila

14

Manila, Philippines – Arestado ang labing dalawang katao matapos salakayin ng National Bureau of Investigation ang isang KTV bar na nag-ooperate ng iligal na sugal sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat, nagpanggap na tataya sa karera ng kabayo sa pamamagitan ng cable television ang isang ahente ng NBI.

Nang tanggapin ang pera ng NBI agent ay dito na pumasok ang mga kasamahan at inaaresto ang supervisor ng naturang KTV bar, mga bet collectors at maging ang parokyano ng mga ito.

Napag-alaman pa na walang lisensiya mula games and amusement board ang nasabing bar kung saan inaalam na din ang pangalan ng may-ari nito.
DZXL558

Facebook Comments