Labing isang katao, arestado matapos mahulihan ng shabu sa QC

113

Manila, Philippines – Arestado sa isinagawang buy bustoperation ng mga operatiba ng Drug Enforcent Group ng QCPD ang labing isangkatao sa Brgy. Pansol Quezon City.
  Ayon kay QCPD District Director Chief Supt. GuillermoEleazar nagsagawa ng buy buy operation ang Quezon  City Drug Enforcement  Group at Philippine  Drug  Enforcement Agency sa  Bgry.  Pansol kagabi. 
  Target ng operasyon si Ronald Borja alyas Yuri na umanoytulak ng ilegal na droga sa lugar.
  Arestado si Borja at ang sampu pang kasama nito sa bahayna hinihinalang drug den.
  Paliwanag ni Eleazar nahui sa aktong sumisinghot ng shabu ang mga suspek mataposmagsagawa ng buy bust operation ang mga awtoridad.
  Narekober sa 11 katao ang limang daang pisong na halagang hinihinalang shabu, drug parapernalia at 500 pisong na buy bust money.
  Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 oComprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang naturang mga suspek.

Facebook Comments