Labing siyam na pulis na isinasangkot sa pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Espinosa, isinasailalim na sa booking procedure sa Leyte

27

Manila, Philippines – Isinasailalim na sa booking procedure ang labing spyam na pulis na isinasangkot sa pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa sa Baybay City Jail noong buwan ng Nobyembre nang nakalipas na taon.

 

Ayon kay PNP region 8 Regional Dir. Chief Supt. Elmer Beltajar, matapos na magpalabas ng warrant of arrest ang Baybay Leyte Regional Trial Court branch 14 dahil sa kasong murder laban sa mga pulis.

 

Kusang loob na sumuko ang mga ito sa PNP CIDG region 8 sa Palo, Leyte.

 

Ilan sa labing siyam na mga pulis na ito ay sina Psupt. Marvin Wynn Marcos, dating CIDG Region 8 Director Psupt. Santi Noel Matira, Pc Insp. Leo Laraga, SPO4 Melvin Cayobit, PO3 Johnny Ibañez, Pcinsp Calixto Canillas Jr., SPO4 Juanito Duarte, PO1 Lloyd Ortigueza, at Ps Insp. Fritz Blanco.

 

Sinabi ni Beltejar na kapag natapos na sa booking procedure o ang pagsasagawa ng fingerprinting, documentation, mugshot at medical examination ng 19 na pulis, ibabalik na agad sa korte ang warrant of arrest at maghihintay sila para sa ilalabas na commitment order ng korte upang matukoy kung saang ikukulong ang mga akusadong pulis.

Facebook Comments
SHARE
Previous articleMga dating opisyal ng Petron, abswelto sa Tax Credit Scam Case
Next articleImpeachment complaint, ipinasasantabi
I'm Dennis Paule also known as DJ Denn Epic, radio-host of Radio Kabataan. My show is all about informing, inspiring, involving, and empowering the Filipino youth. We give them voices. We allow them to share their talents and inspire others. We empower the listeners. And lastly, we promote positive social change through radio broadcasting.