Labor Secretary Silvestre Bello III, pina-iimbestigahan na ang naglabasang pekeng social media account gamit ang kaniyang pangalan

230

Pina-iimbestigahanan na ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga nasa likod ng paggamit ng kaniyang pangalan sa mga pekeng social media account.

Kaugnay nito, nagpatulong na rin ang kalihim sa National Bureau of Investigation (NBI) para matukoy ang mga suspek sa paggamit ng kaniyang pangalan partikular ang pekeng account sa Facebook.


Nabatid na ang pekeng account kung saan ginagamit ang pangalan ni Bello ay naghihingi ng pondo upang suportahan ang umano’y community pantry ng kalihim.

Bukod dito, ginagamit din ang nasabing pekeng account para makalikom ng pondo bilang pagsuporta raw sa plano ni Bello sa darating na eleksyon.

Ayon kay Bello, hindi dapat palagpasin ang ganitong uri ng panananamantala para makapanlamang sa kapwa.

Hindi rin daw ito nararapat na gawin lalo na’t maraming tao ang nabibiktima sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.



Sinabi pa ng kalihim na ang nasabing pekeng account ay mayroon nang 1,211 na Facebook friends na ang karamihan ay kaniyang kakilala at katrabaho.


Facebook Comments